Gabing gising na naman
‘Di makatulog sa kakaisip ng ating nakaraan
‘Di na mababalikan ang mga panahon
Na ako pa ang ‘yong mahal
Kaya sinasabi sa sarili
Hindi ikaw ang bubuo ng puso ko
Pero bakit ang hirap lumayo
Kahit mahirap at masakit sa damdamin
Kailangan tanggapin
Hindi ikaw ang para sa 'kin
Magkasama tayong dalawa
Ngunit bigla akong nagising
Panaginip lang pala
Sayang ‘di na nakapagpaalam
Kelan kaya uling magkikita
‘Wag sundin ang damdamin mali ito dahil
Hindi ikaw ang bubuo ng puso ko
Pero bakit ang hirap lumayo
Kahit mahirap at masakit sa damdamin
Kailangan tanggapin
Hindi ikaw ang para sa 'kin